Monday, September 13, 2010

Nasaan ang Langit para sa Akin?

Heto ako... nariritong muli sa iisang sulok. Bumubulong... Nagmumunimuni... Nag-iisip-isip. Hindi malamang kung anong gagawin. Minsan napapasulyap na lamang sa langit. Habang sa mga sa mata'y tila may kung anong luha nang nangingilidngilid!


(buntong hinga!)Grabe talaga ako ano? Marahil... isa na nga akong baliw. Lagi na lamang nag-iisa at ni ngiti'y hindi na nga ata maipipinta sa aking mukha. Tumitingin tingin... sumusulyapsulyap... at higit sa lahat... naririto... nakatitig sa langit.

Ang langit? May gumugulo tuloy sa aking isipan. Napakaganda ngang pagmasdan ang langit na minsang naitanong ko na sa aking sarili. Ang langit? Hangganan lamang iyan ng nakikita nating mga tao. Ang langit... hindi nahihipo, hindi naririnig, ... nasa tao ang langit....
Marahil... laging naitatanong ng aking murang isipan kung may nakaabot na ba ng langit... o sadyang ang langit na ito na ating ninanais hagkan ay tila isang ilusyon lamang, pangarap na hindi kayang abutin... o kung maabot man ay kay hirap abutin...


Naririto ako. Sa iisang sulok... nag-iisa sa iisang tabi. Nagmumunimuni... nangangarap na sana'y kahit minsa'y mahagkan ko rin ang langit para sa akin!