Monday, February 7, 2011

Bakit Psychology?

Sabi nila…? :P

Ang sabi nila, ang psychology daw… boring kasi puro mga technical theories at terms lang daw ang mga aaralin. :P

Ang sabi rin ng iba, ang psychology daw… ay isang course na binubuo ng mga estudyanteng mga bookish at nerdy. :P

Ang sabi ng iba, ang psychology ang pinakaimpraktikal na course kasi daw… wala daw patutunguhan ang course na psychology kundi ang pagtuturo lang. :P

At, ang sabi ng iba… walang kwenta, hindi interesting at puro mga walang katuturan ang mga inaaral sa psychology at hindi mo raw iyon maa-apply sa totoong buhay. :P

Ang sabi ko naman… sabi sabi lng nila yun! ;)

Orientation sa iba’t ibang major subjects na kukunin nyo sa Psychology

So ano ba ang psychology? Ano ba ang mga mapapala natin dun? Ano ba ang silbi ng psychology sa buhay natin?
At isa pa… anu-ano nga ba ang mga pag-aaralan natin sa psychology? Interesting nga ba talaga sya or hindi?

General Psychology

Unang major subject sa psychology ay ang “General Psychology”.  Reklamo ng iba, mahirap na daw yun at nauutal na napapaisip na rin ng iba marahil na mag-shift na lng ng course kasi daw “kung sa unang major pa lang eh hirap na ako, eh pano na lang pag sa mga susunod pang mga subjects?!”

P’wes… sa mga nakaisip na n’yan at sa mag-iisip pa lang, makinig muna kayo sa’king sikretong ibubunyag…
At ang secret… “Tinatakot lng kayo ng teacher nyo.” Dahil ito ang pinakaunang major, culture ng school natin na takutin at i-challenge ang mga 1st years BS Psych para matiyak kung ga’no sila katitibay.

Ang tanong: “Ikaw? Matibay ka ba?Papatalo ka na lng?”

May secret ako ulit: “Yung mga susunod na subjects… hindi na ganun ka demanding hindi tulad ng sa una.” Kung baga… parang nanunubok lng. (Kumbinsido ka na bang magpatuloy?)
Kaya yan!!! ^_^ Basta study hard lng mga psychomen

Developmental Psychology

Pagka-akyat nyo ng 2nd year, next nyong pag-aaralan ay ang “Developmental Psychology”. Eh ano naman ang tungkol dito?

Sa subject na’to  napag-aaaralan kung papaano nalilinang at nade-develop ang isang taong at sa kung anu-ano ang different life statges ng life at sa kung papaano kayo maka-cope dito. Ang masasabi ko lang… ay napaka-essential ng subject na ito lalo na’t mauunawaan mo na ngayon kung bakit ka naging ganito? Kung anu-ano ba ang mga bagay na naging paraan na nag-lead sa’yo para maging ganyan ka at ganyan kang kumilos, mag-isip at magsalita? At higit sa lahat ay magagawa mo ring masagot ang mga katanungang iyon para sa ibang mga tao. Mas matutulungan mo din ang mga love ones nyo na maka-cope sa problems nila.
Lahat tayo ay nasa-proseso ng pag-grow at ng pagdevelop. Hindi mo maikakait yun kahit na matanda ka na. :P

Sa bawat proseso ay may mga changes na mga nangyayari … at kasama ka na sa milyun milyung biktima nun. Ngunit gayunpaman… if may knowledge ka sa “developmental psychology”, matutunan mong hindi maging paapekto sa mga changes na nangyayari sa buhay mo.

Makakatulong din ang course na ito lalo’t I’m sure… balang araw ay magkakapamilya at magkakaanak din kayo. Ang mga wisdom na matutunan nyo sa subject na yan ay magsisilbing guide para sa inyo na palakihin ang inyong mga anak the way na pinapangarap nyo silang maging.

Theories of Personality

By 2nd sem, isa sa major subjects na kukuhanin nyo ay ang “Theories of Personality”. So anong meron dyan sa subject na ‘yan?

Sa subject na ito mapag-aaralan nyo ang iba’t ibang mga teorya tungkol sa pagkakaroon ng personality ng mga tao.

Interesting ang subject na ito dahil through this subject ay mae-explore mo na ang personality ng iba’t ibang tao (kasama na ang special someone mo dun or maging yung kaaaway mo). Maie-explore mo rin dito ang iba’t ibang uri ng tao at ang iba’t ibang uri ng personalidad ng tao.

Malalaman mo kung anu-ano ang mga nag-lead sa mga taong yan kung bakit ganyan sila kumilos at kung bakit ganyan ang mga pag-uugali nila. At syempre… hindi magtatapos dun, the more na makikilala mo ang isang tao sa pasikot-sikot ng personalidad nya, the more mong maa-understand ang isang tao (o kung ayaw mo namang intindihin yung taong yun… mas matutulungan ka rin ng mga nalaman mo ang matutunan ang pasikut-sikot sa pagpapa-ikot ng ulo nya :P through sa knowledges mo about his/her personality)

Experimental Psychology

Sinasabing ang experimental psychology talaga ang isa sa pinakamahirap na subject. Marahil totoo yun. Marahil ay hindi. Pero kung ako ang tatanungin… ang subject na ito ang isa sa pinakapaborito ko.

Sa subject na ito mo malalaman na sa psychology… pwede ka rin pa palang maging scientist (hindi ng mga animals at plants kundi scientist ng behavior mismo ng tao)

Malalaman mo ang iba’t ibang strategy sa kung anu-ano ang mga variables at stimulus na magiging effective para mapilit mo ang gusto mong maging behavior ng kaawa-awa mong “biktima” nang hindi mo directly na inuutos sa kanya na gawin yun. Sa subject na ito, para na ring sinasabi na ‘pati pala ang utak, ang pag-iisip, at ang personality ng tao ay pwede rin palang manipulahin! Ahehehe.)

Eh sa panliligaw? Applicable ba yan? Bakit hindi?! Basta kabisado mo ang mga pasikot-sikot sa pag-eexperiment ng behavior ng tao nang hindi ka nya nahuhuli.

May boyfriend ka. Gusto mong baguhin ang ilan sa mga hindi mo magustuhang behavior sa kanya. Ang sagot? Experimental psychology! Oh di ba? Ang cool!

Social Psychology

After nyong matapos ang 2nd year; 2nd semester… third year na kayo! ^_^
Isa sa aaralin nyo for third year; 1st sem ay ang social psychology… so what’s with the social psychology?

Sa subject na ito… matutunan mo ang iba’t ibang way ng pakikipag-socialize sa tao. Isa sa mga scope nito ay ang ‘Persuasion’ na tumutukoy sa different ways sa kung papaano mo mapapasang-ayon ang matigas na kadebate mo sa paraang parang nauuto mo s’ya na sa side nya na kahit nauuto na ay tila Masaya pang nauuto mo sya.

Pag-aaralan nyo rin ang tungkol sa topic na “love”. Pag-aaralan nyo ang different theories about love, Different cycles in a relationship, Different types of relationships at marami pang mga interesting na mga topics at professional advices na alam kong magiging useful when it comes sa proper handling of relationships na kung saan involved kayo (hindi lamang sa bf-gf kundi sa inyong tropa, club, sa inyong pamilya, etc.)

Clinical Psychology

Papaano mo ba malalaman kung normal pa ba yung katabi mo habang binabasa mo itong note na ito? Papaano mo rin ba malalaman kung normal ka pa bang mag-isip o may sayad ka na yata? :P

Ang sagot? Clinical psychology!

Sa major subject na ito ay ie-explore nyo ang iba’t ibang mental disorders ng tao mula sa the way silang mag-isip hanggang sa the way silang magsalita, kumilos o kahit sa simpleng pagtingin lang nila sa inyo.

Matatalakay din kung bakit maraming mga nababaliw at kung anu ano ang mga posibleng signs na pwedeng mabaliw ang tao. Baka isa ka na doon?! :P

Malalaman mo rin kung anu-ano ang mga bagay sa iyo na dapat mong tanggalin na s’yang balang araw ay pwedeng ma-develop into mental disorder. Mahirap na. :P

In what way na magkaiba ang psychopath sa isang psychopathic? Ano ang neurotic? May mood disorder ka na ba? Baka sa simpleng gawi mo araw araw ay sign ka na pala ng taong may obsessive compulsive disorder?

Kung pangarap mong maging psychiatrist baling araw, mamahalin mo ang subject na ito.

Counseling Psychology

Sa buhay, halos na lahat na nga ata ng tao sa mundo ay biktima ng samu’t saring mga problema: maaring ang close mong kapatid, ang close friends mo, at ang lahat na nga ng tao na iyong ka-close o feeling-close… may mga problema rin!  Lahat sila ay nangangailangan ng advice, ng someone na makikinig sa kanila, at ng someone na sasamahan sila.

Pero ang tanong: nakakatulong ka ba talaga sa kanila o mas nakakasama ka lang pala sa kanila?
Sa subject ng “counseling Psychology” ay matutunan nyo ang mga tamang paraan ng pagbibigay ng counseling at guidance sa mga taong nangangailangan ng inyong suporta.

Minsan kasi… ang mga inakala nating makakabuti sa kanila, (hindi natin alam) lalong panggulo lng naman pala sa kanila. Anu-ano ba ang mga strategies para gawing maging mas epektibo ang iyong mga advice sa kanila lalo na sa mga taong magpapakamatay na mismo sa harap mo? Posibleng may mangyaring ganun. Malalaman mo rin sa subject na ito.

Ang subject na ito ay usually foundation of knowledge and wisdoms rin para sa mga taong nangangarap na maging Guidance counselor balang araw.

Psychological Testing

Papaano ba nasusukat ang katalinuhan ng tao? Papaano mo masasabing mas madaling ma-depress ang tao kaysa sa iba? Papaano mo masusukat ang mga bagay na hindi naman talaga maaaring masukat gaya na nga ng pagtitiwala, ng pagmamahal o ng emosyon na nga ng tao?

Sa subject ng “Psychological Testing”, inaamin kong may pagkatechnical ito lalo’t gagamit kayo ng numbers tulad ng sa “experimental psychology”.

Ngunit ang advantage na maibibigay nito ay kung nagtatrabaho na kayo lalo na sa mga kumpanya.
Ang mga taong kahit may kaunting skills at idea sa pag-a-administer ng iba’t ibang psychological tests ay usually na napo-promote sa HR department.

Psychology of Learning

Papaano ba natutuo ang isang tao? Totoo bang may mga taong sadyang bobo o nasa strategy lng ng taong iyon na maka-grasp agad ng learning? Sa papaanong paraan mo ba mapapadali ang learning?

May mga style nga lang ba para mas mapataas ng isang tao ang capacity ng kanyang brain memory?

Papaano ba natuturuan ng iba’t ibang tricks ng tao ang mga hayop? Pwede mo rin ba itong i-apply sa tao…  lalo’t sa sarili mo para tumalino ka (kung iniisip mong hindi ka matalino)?

Papaano mo ba mapanatilli ang good habits at wasakin ang bad habits ng isang tao?

Papaano mo rin naman turuan ang isang tao na kalimutan ang isang bagay na natutunan na nya?
Isa yan sa mga katanungang masasagot nyo pag meron na kayong “Psychology of Learning”

Research Methods in Psychology

Sa subject ng “Research Methods in Psychology” ay matutunan nyo ang iba’t ibang way ng researches.

Inaamin ko na maaaring hindi n’yo ganong ma-apply ang mga ituturo dito pero ang mga matutunan nyo dito ay mas makakatulong para kayo’y maka-graduate! Bakit? Sa subject na ito kayo tuturuan  sa paggawa ng Thesis na major requirement nyo bago kayo maka-graduate sa college at makapaghanap na ng trabaho. ;)

Industrial Psychology

Isa sa pwedeng maging patutunguhan ng taong nagtapos ng Psychology course ay ang magtrabaho sa mga kumpanya. (Bakit? Akala nyo mga commerce lang?)
Sa major subject na ito hahasain kayo tungkol sa mga bagay bagay na magagamit at kakailanganin nyo kapag nagta-trabaho na kayo sa mga kumpanya.

Projective Techniques

Marahil ay pamilyar na kayo kung ano ang ibig sabihin ng “projective techniques”. Kung itatanong nyo kung ano ang meron sa subject na ito, dito nyo matutunang makilala or magkaroon man ng kahit clue sa personality ng isang tao through sa pagbasa ng pirma nya, sa pagtingin sa kung papaano sya magdrawing (ng bahay, ng tao, ng puno, etc.), sa pag-alam kung ano ang mga favorite colors nya or maging sa pagtingin sa mga nonverbal actions nya.
Interesting di ba? Makikilala mo na ang isang tao kahit hindi mo s’ya literal na tanungin kung sino s’ya. ^_^

Filipino Psychology

Anu-ano ang mga bagay na nagpapa-pinoy sa isang pinoy? Anu-ano ang mga kaugalian ng mga pinoy na masasabing ibang-iba sa ibang mga lahi? May kinalaman ba ang history, klima, geography at maging ang mga paboritong pagkaing kinakain ng mga pinoy sa kung papaano sila gumawi at kumilos?
Lahat ng mga topics na yan ay mapag-aaaralan nyo sa subject ng “Filipino Psychology”

Other Major Subjects in Psychology

Narito naman ang iba pang mga majors na makukuha nyo na hindi ko na gaanong tatalakayin.
“Community Psychology” – wala ‘to! Puro all about the community lang

“Group Dyanmics” – mas lalong wala ito. Usually puro laro at iba pang mga psychology games lang ang gagawin nyo. :P

“Current Issues in Psychology” – itong subject na ito ang magiging paboritong subject ng mga taong mahilig makipag-diskusyon. Maganda rin ang subject na ito dahil magagawa nyong i-relate ang psychology sa current na mga problemang nangyayari sa ating society ngayon. ;)

Mga Careers na pwede nyong Makuha after graduating Psychology

Psychology? Walang patutunguhan kundi an gang pagtuturo lang?!

Dyan ka nagkakamali kapatid. ;)

Masyadong malawak ang scope ng psychology. Halos sakop na nga nya ata lahat ng pwedeng maging trabaho. Kung kaya’t I consider psychology to be one of the most powerful course na pwede mong kunin.

Sa psychology, pwede kang magtrabaho sa mga kumpanya. HR tawag dun. May posibilidad rin ikaw na maging president ng kumpanya basta’t madiskarte ka rin. Kala mo ba mga commerce & management lang ang pwede para sa kumpanya?

Sa psychology, pwede mo ring gawing preparatory course yun kung gusto mong maging doctor! Kala mo ba nursing lang ang pwedeng preparatory course para sa medicine?

Sa psychology pwede ka ring magtrabaho sa mga schools: either as a guidance counselor, principal or professor. Kala mo ba, pang mga educ lng yun?

Sa psychology, pwede ka ring magtrabaho as researchers lalo na sa mga broadcasting departments or even researchers para sa media. Kala mo ba, mass-com lng ang pwede nun?

Sa psychology, pwede ka ring tumulong sa mga NGO or any organization na tumutulong sa society. Kala mo ba social work lng ang pwde?

Kung gusto mong maging abogado balang araw, pwede mong gamitin ang psychology as preparatory course. ;) kala mo ba, philosophy course lng ang pwede nun?

Kung gusto mong maging psychiatrist, psychology ang dapat mong kunin.

O kung very religious ka naman at gusto mong magpari/madre, pwede mo ring gawing preparatory ang psychology!

At marami pang pagpipilian! Saan ka pa? Psychology na! ;)

Now ito ang tanong? Wala bang kwenta ang mga matutunan mo sa psychology kung sa course na ito ay marami kang mapupulutang mga aral na hindi maituturo for sure sa ibang mga courses?

Nerdy lng daw ba talaga ang psychology kung sa course na ito ay pinapahalagahan at mas kinakailangan nga ang mga taong sociable lalo na at ang pakikipag-socialize is regarded as a basic common need para sa isang tao? Ano sa tingin mo? Pwede ba? Pwede? Pwede! ^_^